Monday, January 29, 2018
MGA BENEPISYO NG PARAGIS SA ATING KALUSUGAN
Tagalog: Paragis, Sambali
English: Wire grass, Goose grass, Dog’s Tail
Ang Paragis ay isang uri ng damo na karaniwang makikita sa bakuran, tabing kalsada, mga bakanteng lote at sa bukirin. Sa ibang parte ng bansa ang halamang ito ay ginagamit bilang alternatibong gamot sa mga karamdaman dahil nagtataglay ito ng anti-inflamatory, Antidiabetic, at antioxidant. May natural rin itong kemikal na nagpapaliit ng bukol sa loob ng katawan.
Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang Paragis, kadalasan itong hindi pinapansin ng marami marahil dahil isa lamang itong damo. Ngunit ngayon, sumisikat ang damo na ito dahil sa angking taglay nito sa pagpapagaling sa mga iba’t-ibang sakit sa ating katawan at ilan sa mga ito ang mga sumusunod:
• Ang halaman ng paragis ay maaaring gamiting herbal na gamot sa taong may Urinary Tract Infection (UTI) o hirap sa pag-ihi.
• Dahil may angking kemikal ang Paragis na may kakayahang magparami ng tubig sa katawan na siyang nagpapadalas para umihi. Mainam itong gawing alternatibong gamot sa taong may sakit sa bato (kidney).
• Magandang alternatibong gamot ang paragis sa mga taong may Cyst in breast, Ovarian cyst, Myoma, Cervical polyps at Irregular menstruation. Dahil may natural na kemikal ito na nagpapabagal sa paglaki ng bukol sa loob ng katawan.
• Mabisang alternatibong lunas rin ito sa mga taong may altapresyon (Hypertension).
• Magagamit rin ang paragis sa mga may balakubak. Dikdikin lamang ang dahon at tangkay nito at ihaho sa shampoo.
• Pinaniniwalaan rin na ang paragis ay mabisang herbal na gamot sa mga taong may Diabetes, lagnat,
Asthma at Hyperthyroidism or hypothyroidism (goiter).
PARAAN NG PAGGAWA NG PARAGIS TEA
Kumuha ng isang bugkos ng paragis. hugasan ito kamasa ang ugat (optional). Ihalo ang isang (1) litro ng tubig at pakuluin. Pagkakulo isalin ito at maaari ng inumin tatlong beses sa isang araw.
PAALALA:
Hindi dapat ihalili ang mga halamang gamot sa mga gamot na nirereseta. Mainam pa rin na magpatingin sa mga doctor o espesyalista lalo na kung matagal na ang iyong iniindang sakit.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment