PAMPANGA – Ika-17 ng Enero 2018, dalawampu’t tatlong Kapampangan ang mga naaresto ng kapulisan sa kanilang sunud-sunod na operasyon laban sa ilegal na pagsusugal sa Pampanga. Sa bayan ng San Simon, dinakip ng mga awtoridad si Domingo Manulit na nahuling pinangangasiwaan ang larong drop ball. Ang mga nakompiska sa kanya ay isang set ng betting board/stall, tatlong bola at mga pera na pinagtayaan na umabot sa P1,920. Ang mga kapulisan ng Arayat ay nagsagawa rin ng
operasyon laban sa ilegal na pagsusugal sa Barangay San Juan Baño kung saan nahuli nila sina Rodelyn Marquez at John Alexis Dapulag na pinatatakbo rin ang larong drop ball. Ang mga nakumpiska sa kanila ay tatlong bola at mga perang tinayaan na umabot sa P440.
Limang suspek naman ang mga nahuli ng awtoridad ng Magalang at sila ay sina Joey Ferrer, Francis Yanga, Alejandro Mercado, Allen Coronel at Alexis Gliani Cruz kung saan nakumpiska sa kanila ang mga ilegal na mga kagamitan at mga perang pinagtayaan. Nagsagawa rin ng operasyong laban sa ilegal na pagsusugal ang mga awtoridad ng Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Telabastagan,City of San Fernando kung saan labing-lima ang mga naarestong tumataya sa online na sabong. Ang mga suspek na nahuli ay sina Alejandro G. Gomez, Enrico S. Mobido, Raymond D. Espinosa, Jason E. Calupiano, Romnick S. Arceo, Marco D. Pangilinan, Ivan T. Rodriguez, Ninoy Z. Candelario, Larry M. Asedillo, Jhayar D. Garcia, Ronnie S. Atienza, Erza B. Diano, Joel K. Rodriguez, Leomar C. Rodriguez at Juany V. Cabasa. Nakumpiska sa kanila ay anim na apple ipad, sampung computer monitor, siyam na camera, walong keyboard, limang headset, dalawang main station, walong tripod, apat na laptop, tatlong internet modem, boom mic, power cord, tatlong mesa at iba pang mga aparato na ginamit sa online na sabong.
source: SunStar Pampanga
No comments:
Post a Comment