Nakasama ang lokal na pamahalaan ng
Arayat sa 2016 CSC Top 10 LGU nationwide na nakakuha ng marka na 94.75 na
porsyento. Ilan sa mga bayan na napabilang
sa Top 10 LGU ay ang Santiago City, Isabela; Tagum City, Davao del Norte;
Dolores,Abra; Mamasapano, Maguindanao; Iriga City, Camarines Sur; Talipao,
Sulu; Lano, Camarines Norte; Lal-lo, Cagayan, and Mati City, Davao Oriental.
Ang naging batayan ng Civil Service Commission sa pagbigay
ng grado ay ang pagtupad ng mga lokal na pamahalaan ng bawat bayan sa Anti-Red
Tape Act kung saan kabilang rito ang Citizen’s Charter, no noon break policy,
pagsuot ng mga ID, pagpapapatayo ng public assistance desk at anti-fixers
campaign. Isa rin sa naging batayan ay ang kalidad ng serbisyo ng mga lokal na
pamahalaan sa kanilang mga mamamayan.
No comments:
Post a Comment