ARAYAT, PAMPANGA – Pagkatapos mahuli at makulong ng anim na pu’t (60) araw, ang dating alkalde na si Luisito Espino ay pinakawalan na sa pagkakabilanggo noong ika-24 ng Abril 2017.
Ito ay noong mismong araw na iyon ay pinawalang sala ng
Pampanga Regional Trial Court sina Espino at ang kanyang tatlong kasama kung
saan binasura nito ang kasong
illegal possession of firearms, explosives, and narcotics na isinampa sa
kanila ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) sa Pampanga.
Ayon sa
PRTC, “Based from the resolution that we
received, they cited the insufficiency of evidence presented to the proper
court which led to the dismissal of the case”.
Sinabi naman
ni Melgura ng CIDG na iniharap naman nila ang lahat ng ebidensya tulad ng mga
baril, mga granada at ilegal na droga na nakumpiska nilang pagmamay-ari ng suspek
na ginamit na nilang ebidensya. Ilan na rito ay isang 5.56-pistol, tatlong
.45-handguns at isang 9mm-pistol, tatlong hand grenades at labing-siyam (19) na
sachet ng pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride o shabu.
Binabalak
naman ni Melgura at ng kanyang opisina na magfile ng motion for re-investigation
and reconsideration.
“But for
now, Mr. Espino and his companions are free as ordered by the court,”sinabi
niya.
No comments:
Post a Comment