Monday, July 10, 2017

Gov. Lilia Pineda, Ipapatupad ang Kontra Maldita Order sa mga Pampublikong Ospital sa Pampanga


Nagsimula ang lahat ng magalit si Gov. Pineda sa pagkasawi ng pitong buwan na sanggol dahil sa kapabayaan at hindi magandang pagtrato ng mga empleyado ng Escolastica Romero District Hospital, Lubao. Pinatawag niya ang mga empleyado at ipinahiwatig niya ang kanyang pagkadismaya.

“Kung ayaw niyo ang pag-alalay sa mga mahihirap dito sa ERDH, pwede na kayong mag-resign pwede na kayong lumayas! Kung hindi niyo maalis ang kasupladahan niyo!”, sinabi ni Gov. Pineda.

“Tao kayo, tao tayo, pareho tayong tao. Hindi naman namin kayo pinilit para sumerbisyo sa mga taong mahihirap. Lahat ng mga pumupunta sa inyo dito ay mahihirap. Walang mayaman na pupunta dito . At ang mahihirap alam niyo ay makulit sila, madaming hinihingi kasi hindi nila alam. Kayo ang mas nakakaintindi, kayo ang mas professional. Sinabi ko naman kailangan dito kung gusto niyo magtrabaho dito may puso ka mababa ang loob mo”, sinabi ni Gov. Pineda.

Nais man na ipasibak ni Gov. Pineda ang mga pasaway na empleyado ay iniririspeto niya ang tamang proseso ng pagbibigay ng leksyon.

Ayon kay Gov.Pineda, “Nililikom ko ang lahat ng mga reklamo ng tao at saka pinatuturo ko sila ng civil service law dahil kailangan meron kang ebidensya kailangan meron kang proseso pero winarningan ko na sila kapag napatunayan ko na sila na ganyan ang maltrato nila sa tao hinuhold ko sila, inilalagay ko sa ibang department hindi sa ospital”.

Ang babala ni Gov. Pineda sa mga hindi magbabago ay magbitiw na, kung hindi ay aalisin ang mga maldita sa serbisyo.

source : cltv36



No comments:

Post a Comment

Photo by: lablabphotography

Photo by: lablabphotography
saving hay for rainy days feed for beasts of burden