Monday, August 28, 2017

Pangulong Duterte, Siniguradong Ligtas ng Kainin Ang Lahat ng mga Manok at Ibang Poultry Product sa Pampanga





CITY OF SAN FERNANDO – Ika-28 ng Agosto 2017, sinigurado ni Pangulong Rodrigo Duterte na ligtas ng kainin ang lahat ng mga manok sa Pampanga. Nakausap na ng Pangulo ang mga nagmamay-ari ng manukan mula sa Pampanga at Nueva Ecija kasama na ang opisyales ng gobyerno na nangasiwa sa quarantine at pagpatay sa mga manok na nahawaan ng avian flu. 

Pinangunahan ng Bureau of Animal Industry's Avian Influenza Task ang quarantine sa mga lugar at manok na apektado ng avian flu outbreak. Pinatay nila ang lahat ng mga poultry product sa loob ng isang-kilometrong sukat ng mga apektadong bukid. Mahigit kumulang na 667,184 na manok, bibe at mga pugo ang mga pinatay. 

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pagkain sa mga poultry products ng Pampanga kasama sina Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo, Agriculture Secretary Manny Piñol, Representative Aurelio Gonzales, Jr. at Governor Lilia Pineda. Ayon kay Pangulong Duterte, maaring magpataw siya ng malaking parusa sa mga negosyante na magdadala ng mga produktong nahawaan ng bird flu. 


Photo credit : Chris Navarro
source : SunStar

No comments:

Post a Comment

Photo by: lablabphotography

Photo by: lablabphotography
saving hay for rainy days feed for beasts of burden