Tuesday, January 30, 2018

Arayat, Nakatanggap ng P2 Million mula sa DILG

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-23 ng Enero 2018, nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng Arayat ng P2-million Performance Challenge Fund (PCF) cash incentive mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Binigyan ng incentive ang bayan Arayat dahil pumasa ito sa 2017 Seal of Good Local Governance (SGLG) kasama ng labing-dalawang munisipalidad sa lalawigan ng Pampanga. Iniabot ang P2-million PCF ng DILG Provincial Director Mryvi Apostol-Fabia kay Mayor Emmanuel Alejandrino. 

Ang SGLG Award ay ginawad sa mga munisipalidad na umayon sa performance criteria sa mga sumusunod: good financial housekeeping (GFH), disaster preparedness, social protection for the basic sector, business-friendliness at competitiveness, environmental management, law and order, public sector at tourism, culture at arts.

Ayon kay Mayor Bon, ang natanggap na incentive ay ilalaan para sa rehabilitasyon ng mga luma at sirang daan lalo ang daan sa Brgy. Sto. Niño Tabuan.

“Ang PCF ay regalo ng DILG sa Arayat matapos nitong nakita ang aming pagkakaisa para sa ikauunlad ng aming bayan. At nararapat lamang na ilagay namin ito sa isang proyekto na maaaring makita at magamit ng bawat isa araw-araw,”sinabi ni Mayor Bon.

No comments:

Post a Comment

Photo by: lablabphotography

Photo by: lablabphotography
saving hay for rainy days feed for beasts of burden