ARAYAT, PAMPANGA – Ika-21 ng Enero 2018, napuno na naman ang simbahan ni Apung Tali ng daan-daang deboto at mga kabataan sa naganap na pista ng Sto. Niño kung saan daan-daang mga deboto at mga kabataan ang nakipagdiwang. Nagsimula ang pagdiriwang sa isang banal na misa na
pinangunahan nina Among Ranniel Soriano, Parish Priest ng Brgy.Camba, at Among Borish Sta.Ana, ang bagong inilagdang Parish Priest ng Santa Catalina. Ito ay ang araw ng mga bata at mga pusong bata.
Ayon sa homily ni Among Ranniel, ang pista ng Sto. Niño ay isang mahalagang araw upang maging close. Close kung saan hindi isasara ang kalooban sa halip ay close na ilalapit ng isa’t-isa ang kalooban sa pamilya, kaibigan at higit sa lahat ay mapalapit sa Panginoon.
No comments:
Post a Comment