Tuesday, January 30, 2018

Arayat, Nakatanggap ng P2 Million mula sa DILG

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-23 ng Enero 2018, nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng Arayat ng P2-million Performance Challenge Fund (PCF) cash incentive mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Binigyan ng incentive ang bayan Arayat dahil pumasa ito sa 2017 Seal of Good Local Governance (SGLG) kasama ng labing-dalawang munisipalidad sa lalawigan ng Pampanga. Iniabot ang P2-million PCF ng DILG Provincial Director Mryvi Apostol-Fabia kay Mayor Emmanuel Alejandrino. 

Ang SGLG Award ay ginawad sa mga munisipalidad na umayon sa performance criteria sa mga sumusunod: good financial housekeeping (GFH), disaster preparedness, social protection for the basic sector, business-friendliness at competitiveness, environmental management, law and order, public sector at tourism, culture at arts.

Ayon kay Mayor Bon, ang natanggap na incentive ay ilalaan para sa rehabilitasyon ng mga luma at sirang daan lalo ang daan sa Brgy. Sto. Niño Tabuan.

“Ang PCF ay regalo ng DILG sa Arayat matapos nitong nakita ang aming pagkakaisa para sa ikauunlad ng aming bayan. At nararapat lamang na ilagay namin ito sa isang proyekto na maaaring makita at magamit ng bawat isa araw-araw,”sinabi ni Mayor Bon.

Monday, January 29, 2018

LGU Arayat, Pinarangalan bilang isa sa CSC Top 10 LGU Nationwide

MANILA – Ika-22 ng Enero 2018, pinarangalan ang lokal na pamahalaan ng Arayat sa naganap na selebrasyon ng ARTAnized: The Anti-Red Tape Act Dekada bilang isa mga munisipalidad na kabilang sa CSC Top 10 LGU nationwide na nakakuha ng marka na 94.75 na porsyento. Ilan sa mga bayan na napabilang sa Top 10 LGU ay ang Santiago City, Isabela; Tagum City, Davao del Norte; Dolores,Abra; Mamasapano, Maguindanao; Iriga City, Camarines Sur; Talipao, Sulu; Lano, Camarines Norte; Lal-lo, Cagayan, and Mati City, Davao Oriental.


Daan-daang Deboto at mga Kabataan, Dinagsa ang Pista ng Sto.Niño

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-21 ng Enero 2018, napuno na naman ang simbahan ni Apung Tali ng daan-daang deboto at mga kabataan sa naganap na pista ng Sto. Niño kung saan daan-daang mga deboto at mga kabataan ang nakipagdiwang. Nagsimula ang pagdiriwang sa isang banal na misa na
pinangunahan nina Among Ranniel Soriano, Parish Priest ng Brgy.Camba, at Among Borish Sta.Ana, ang bagong inilagdang Parish Priest ng Santa Catalina. Ito ay ang araw ng mga bata at mga pusong bata.

Ayon sa homily ni Among Ranniel, ang pista ng Sto. Niño ay isang mahalagang araw upang maging close. Close kung saan hindi isasara ang kalooban sa halip ay close na ilalapit ng isa’t-isa ang kalooban sa pamilya, kaibigan at higit sa lahat ay mapalapit sa Panginoon.

MARIA SINUKUAN SCHOLARSHIP PROGRAM AWARDING CEREMONY


BY : NIKKA KATRINA DE LEON

November 29, 2017 -- The 6th awarding ceremony of the Maria Sinukuan Scholarship Program (Grant-in-aid) was held at the Municipal Multi-Purpose Hall at exactly 2:00 in the afternoon. The said program was made possible through the effort of our Municipal Mayor, Hon. Emmanuel M. Alejandrino with the help of our Municipal officials.

Ms. Luz Tañedo (M.S.S.P Coordinator), started the program with a prayer and was later followed by the opening remarks of SB Zaldy Guevarra (Committee on Education) and SB Ronald Alejandrino. A short message was also conveyed by Mayor Bon for the aspiring students.

There are a total of 247 awardees for the 1st batch of the 2nd semester for 2017. The awarding of the Maria Sinukuan Scholarship Program (Grant-in-aid) 2nd batch was held last December 15, 2017 at the Municipal Conference Hall around 9:00 in the morning. The Program was led by Ms. Luz Tañedo and the M.S.S.P. Staff and was accompanied by our town’s First Lady Madeth Alejandrino. The total awardees for this batch are 87 students.

Dalawampu’t-tatlong Kapampangan ang mga nahuli ng kapulisan laban sa ilegal na pagsusugal


PAMPANGA – Ika-17 ng Enero 2018, dalawampu’t tatlong Kapampangan ang mga naaresto ng kapulisan sa kanilang sunud-sunod na operasyon laban sa ilegal na pagsusugal sa Pampanga. Sa bayan ng San Simon, dinakip ng mga awtoridad si Domingo Manulit na nahuling pinangangasiwaan ang larong drop ball. Ang mga nakompiska sa kanya ay isang set ng betting board/stall, tatlong bola at mga pera na pinagtayaan na umabot sa P1,920. Ang mga kapulisan ng Arayat ay nagsagawa rin ng
operasyon laban sa ilegal na pagsusugal sa Barangay San Juan Baño kung saan nahuli nila sina Rodelyn Marquez at John Alexis Dapulag na pinatatakbo rin ang larong drop ball. Ang mga nakumpiska sa kanila ay tatlong bola at mga perang tinayaan na umabot sa P440.

Limang suspek naman ang mga nahuli ng awtoridad ng Magalang at sila ay sina Joey Ferrer, Francis Yanga, Alejandro Mercado, Allen Coronel at Alexis Gliani Cruz kung saan nakumpiska sa kanila ang mga ilegal na mga kagamitan at mga perang pinagtayaan. Nagsagawa rin ng operasyong laban sa ilegal na pagsusugal ang mga awtoridad ng Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Telabastagan,City of San Fernando kung saan labing-lima ang mga naarestong tumataya sa online na sabong. Ang mga suspek na nahuli ay sina Alejandro G. Gomez, Enrico S. Mobido, Raymond D. Espinosa, Jason E. Calupiano, Romnick S. Arceo, Marco D. Pangilinan, Ivan T. Rodriguez, Ninoy Z. Candelario, Larry M. Asedillo, Jhayar D. Garcia, Ronnie S. Atienza, Erza B. Diano, Joel K. Rodriguez, Leomar C. Rodriguez at Juany V. Cabasa. Nakumpiska sa kanila ay anim na apple ipad, sampung computer monitor, siyam na camera, walong keyboard, limang headset, dalawang main station, walong tripod, apat na laptop, tatlong internet modem, boom mic, power cord, tatlong mesa at iba pang mga aparato na ginamit sa online na sabong.

source: SunStar Pampanga

Are the Senior High School (SHS) Graduates of the K to 12 Program ready for work?


by: Lili Pad

This year, the first batch of students who have completed the K to 12 Program is expected to graduate. But are they really ready to apply for work?

There have been a lot of concerns on these students’ preparedness on finding and landing a job that requires a set of skills. According to Alberto Fenix, President of the Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), “majority of these 600,000, I don’t think they really got the sufficient training.” The minimum requirement for the students’ on-the-job training is 80 hours which is not enough to make them ready for the skilled jobs, said the PCCI.

On the other hand, these concerns of the PCCI will be taken into consideration by the DepEd but the current curriculum will continue. Undersecretary Tonisito Umali believes that SHS graduates for this
year are set up for work. “The curriculum was formed with the help of government agencies competent in these matters, including TESDA and CHED”, he added.

The K to 12 Program was implemented on the school year 2012-2013 with the objective to help students who can’t afford college education to still get a job.

MGA BENEPISYO NG PARAGIS SA ATING KALUSUGAN




Tagalog: Paragis, Sambali
English: Wire grass, Goose grass, Dog’s Tail

Ang Paragis ay isang uri ng damo na karaniwang makikita sa bakuran, tabing kalsada, mga bakanteng lote at sa bukirin. Sa ibang parte ng bansa ang halamang ito ay ginagamit bilang alternatibong gamot sa mga karamdaman dahil nagtataglay ito ng anti-inflamatory, Antidiabetic, at antioxidant. May natural rin itong kemikal na nagpapaliit ng bukol sa loob ng katawan.

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang Paragis, kadalasan itong hindi pinapansin ng marami marahil dahil isa lamang itong damo. Ngunit ngayon, sumisikat ang damo na ito dahil sa angking taglay nito sa pagpapagaling sa mga iba’t-ibang sakit sa ating katawan at ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

• Ang halaman ng paragis ay maaaring gamiting herbal na gamot sa taong may Urinary Tract Infection (UTI) o hirap sa pag-ihi.

• Dahil may angking kemikal ang Paragis na may kakayahang magparami ng tubig sa katawan na siyang nagpapadalas para umihi. Mainam itong gawing alternatibong gamot sa taong may sakit sa bato (kidney).

• Magandang alternatibong gamot ang paragis sa mga taong may Cyst in breast, Ovarian cyst, Myoma, Cervical polyps at Irregular menstruation. Dahil may natural na kemikal ito na nagpapabagal sa paglaki ng bukol sa loob ng katawan.

• Mabisang alternatibong lunas rin ito sa mga taong may altapresyon (Hypertension).

• Magagamit rin ang paragis sa mga may balakubak. Dikdikin lamang ang dahon at tangkay nito at ihaho sa shampoo.

• Pinaniniwalaan rin na ang paragis ay mabisang herbal na gamot sa mga taong may Diabetes, lagnat,
Asthma at Hyperthyroidism or hypothyroidism (goiter).


PARAAN NG PAGGAWA NG PARAGIS TEA

Kumuha ng isang bugkos ng paragis. hugasan ito kamasa ang ugat (optional). Ihalo ang isang (1) litro ng tubig at pakuluin. Pagkakulo isalin ito at maaari ng inumin tatlong beses sa isang araw.

PAALALA:
Hindi dapat ihalili ang mga halamang gamot sa mga gamot na nirereseta. Mainam pa rin na magpatingin sa mga doctor o espesyalista lalo na kung matagal na ang iyong iniindang sakit.

Chinese Zodiac Horoscope : YEAR OF THE MALE EARTH DOG



by: Black Swan

Pumasok na naman ang bagong taon at kalakip nito ang pagpasok ng Year of the Male Earth Dog. Ang Chinese New Year ay ipinagdiriwang taon taon sa iba’t-ibang petsa dahil binabase ito sa kanilang Chinese Lunar Calendar at sa taong ito, mag uumpisa ito sa buwan ng February 16, 2018 hanggang February 4, 2019.

Ang Male Earth Dog ay panglabing-isa (11) sa animal signs at ayon sa teorya ng Chinese Horoscope calendar, ang Male Earth Dog ay sumisimbulo sa mga budok na nangangahulugang ang taon na ito ay panahon tungkol sa kapaligiran, agrikultura, mga teritoryo, real estate, at spiritual na lugar.

Ang katangian ng Dog ay masunurin sa kanyang amo mayaman man ito o mahirap. Ayon sa mga Chinese ang sign na ito ay mapalad kaya naman ang taon na ito ay maganda sa mga taong gustong magtayo ng bagong negosyo, magkapamilya, at magbago ng lifestyle sa buhay.

RAT: 1912, 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008

Ang Rat ay masipag sa anumang larangan ng trabaho kaya naman nakakamit nito ang layunin sa buhay ngunit sa taong ito, bigyan ng mahabang pahinga ang katawan, malayo sa trabaho at siyudad. Pagbigyan ang sarili sa masasayang bagay na gusto mong gawin. Hindi maganda sa taong ito kung ikaw ay magnenegosyo at sa larangan naman ng pag-ibig hindi rin maganda ang taon na ito, mainan na makipagkaibigan na muna.

OX: 1913, 1925, 1937,1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009

Ang Ox ay konserbatibo at malapit sa kanyang pamilya. Isang katangian nito ay mapagmahal ngunit kailangan matutunan magtimpi ng galit at kailangan maingat sa mga salita upang hindi makasakit ng iba. Sa taong ito ang iyong pinaplano ay matutupad kung magkakaroon ng mahabang pasensya. Maswerte ang Ox sa negosyo sa larangan ng creativity katulad ng Fashion, art at music. Ngunit mag ingat sa pag-uutangan ng pera, mamili lamang ng taong mapagkakatiwalaan.

TIGER: 1914, 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010

Ang taon na ito ang magbibigay ng saya sa iyong buhay at magkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Maganda ang pasok ng taon na ito para sa Tiger, maraming oportunidad ang darating sa taon na ito at magiging maganda ang galaw ng pera sa mga may negosyo at sa mga buwanang tumatanggap ng sahod, may posibilidad na madadagdagan ang sahod. Ngunit sa usapang pag-ibig hindi maganda ang taon na ito para sa mga Tiger.

RABBIT: 1915, 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011

Magiging maganda ang kapalaran ng Rabbit sa taon na ito. Swerte ang pera, katanyagan sa trabaho o posibleng tumaas ang posisyon sa trabaho at maganda rin magtayo ng negosyo sa panahon na ito. May posibilidad na magkaroon ng konting problema ngunit umaayon parin ang taon na ito para sa iyo. Sa larangan naman ng pag-ibig swerte rin mahanap ng Rabbit ang kanyan “the one” ngayong taon na ito.

DRAGON: 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012

Ang Dragon at Dog ay hindi magkasundo kaya naman sa taong ipinanganak sa mga taon na ito, hindi maganda ang durasyon ng taon na ito para sa inyo. Umiwas muna sa malalaking capital, mainam na mag-umpisa sa maliit na negosyo. Mainam na magpursige pa lalo upang makamit ang iyong minimithi, ang pagiging mapagkumbaba ang magbibigay ng magandang reputasyon sa iyong sarili. May posibilidad na magkakomplikasyon sa kalusugan kung hindi bibigyan ng pahinga ang sarili.

SNAKE: 1917, 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013

Ang abilidad at talento ng Snake ay mabibigyan ng pansin o gantimpala. Mapapansin ito sa iyong trabaho at magkakaroon ng mga panibagong kaibigan. Kung sa negosyo ang pag
uusapan, lalakas o uusbong ang bagong idea at imbensyon na maaring magamit upang
pagkakitahan. Sa buhay pag-ibig naman, swerte ang Snake na matagpuan ang kanyan
kapareha sa taon na ito.


HORSE: 1918, 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002,2014

Ang Horse ay isa sa mga swerte sa taon na ito. mapalad ito sa buong durasyon ng taon, mataas ang enerhiya ng pasok ng oportunidad at pera. Dahil maganda ang pasok ng pera maganda ang mag ipon sa panahon na ito o mamuhunan. maganda rin ang kapalaran ng Snake sa usapang pag-ibig.

GOAT/SHEEP: 1919, 1931, 1943,1955, 1967, 1979, 1991,2003, 2015

Ang Goat/Sheep sa taon na ito ay magkakaroon ng maraming pagsubok. Upang malabanan ang pagsubok na ito magtiyaga lamang at magkakaroon ng magandang resulta. Ang pagiging masipag ay mabibigyan ng gantimpala kaya magpursige upang makamtan ang minimithi.

MONKEY: 1920, 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992,2004, 2016

Hindi maganda ang pasok ng pera sa Monkey sa taon na ito. Ngunit may magandang mangyayari sa iyong kapalaran pagdating sa trabaho. Kung ikaw ay nag-aaral o gustong umiba ng direksyon sa trabaho ito na ang tamang panahon. Hindi ito ang tamang panahon sa pagkakaroon ng magandang kita kaya manatili sa anuman ang iyong pinagkakakitaan. Kung ikaw ay may promotion o bagong alok na trabaho magandang pagbigyan ang sarili sa bagong karanasan sa buhay.

ROOSTER: 1921,1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017

Sakto lang ang pasok ng taon na ito para sa Roaster. katamtaman ang pasok ng swerte sa pera at oportunidad. Kung ikaw ay may negosyo sakto lang ang pagkakakitaan at kung ikaw naman ay empleyado may posibilidad na ikaw ay makakatanggap ng promosyon. Sa pag-ibig naman, makakatagpo ng pang-matagalang relasyon na maaaring mauwi sa pagpapakasal.

Dog: 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006

Taon ng Dog ngayon ngunit hindi maganda ang kapalaran mo sa taon na ito. sakabila ng lahat ng ito mayroon pa rin naman na magandang kapalaran na darating sa iyong buhay, kalakip nito ang pagtitiyaga, pagsusumikap at pagkakaroon ng tiwala sa sarili upang makamtang ang minimithi. Magandang magkaroon ng oras sa pamilya, kaibigan, at minamahal.

PIG: 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007

Masagana ang taon na ito para sa Pig, maganda rin ang takbo ng buhay nito sa pamilya, kaibigan at minamahal. Ang magandang pakikitungo sa kapwa ang siyang susi sa pagkakaroon ng masaganang biyaya. Kalakit nito ang pagpupursige at pagsusumikap. umaayon rin ang taon na ito sa magsing irog, ito na ang tamang panahon taon para lumagay sa tahimik at sa mga taong single, ito rin ang tamang
panahon upang magkaroon ng kapareha.

Did You Know?

 by: Lili Pad

* A lychnobite is someone who sleeps all day and works all night.

* Women have larger pupil than men.

* Phonophobia is the fear of loud sounds.

* Flamingos can sleep while on one leg. The balancing act requires less muscular effort and allows the birds to sway less.

* The tallest cactus ever recorded was 78 feet tall.





Photo by: lablabphotography

Photo by: lablabphotography
saving hay for rainy days feed for beasts of burden