Tuesday, November 14, 2017

Food Trip in Arayat : Apung Kwek's BABAsuk





Tatlumpung taon na ng sinimulan ni Mang Nelson Nucum o kilala din bilang “Kwek-Kwek” ang kanyang maliit na fishball kart. Araw-araw siyang lumalabas at nagtitinda buong araw. Ng lumago ang kita niya, nagawa niyang ipagawa ng mas malaki ang kanyang munting kart. Sa ilang taong pagtitinda niya, napagtapos niya ang kanyang mga anak sa pag-aaral. At hindi lumaon, dahil sa sipag at tiyaga, at dahil na rin sa tulong ng kanyang mga anak, nakapagpatayo sila ng isang kainan. Ito ay tinawag nilang BABASUK.

Ang kanilang negosyo ay nagsimula noong September 11 ng taong kasalukuyan lamang kaya bagong-bago pa ito. Ayon kay Mang Nelson, nagdesisyon silang maging BABAsuk ang pangalan ng kanilang negosyo dahil halos ng mga nakakakilala sa kanya ay tinatawag siyang ‘Baba’. Kasi medyo mahaba ang baba ko, biru niya. 

Ang anak niyang si Mark John na dating nagtatrabaho abroad ay umuwi ng makaipon at nagdesisyong magpatayo na ng negosyo kasama ng kanyang ama. Ngayon ay business partners na sila. “Gusto ko kase, nagpapahinga nalang si tatay dito sa bahay dahil nga diba, matagal na siyang nagtatrabaho at matanda na rin siya. At least kahit siya lang yung mag cashier, kaya niya at hindi na siya masyadong napapagod, kumbaga relaxed na lang siya” sabi niya.

Boodle fight ang kanilang balak na I offer kapag tumagal na. Pero sa ngayon, sila ay nagseserb muna ng mga meal na “SILOG” gaya ng:
·        TapSiLog         -           P50      (Student Meal – P45)                         
·        HotSiLog         -           P50      (Student Meal – P45)
·        ChickSiLog      -           P50      (Student Meal – P45)
·        ToSiLog           -           P50      (Student Meal – P45)
·        CornSiLog       -           P50      (Student Meal – P45)
·        MalingSiLog    -           P50      (Student Meal – P45)
·        BangSiLog      -           P50      (Student Meal – P45)
·        PorkSiLog       -           P50      (Student Meal – P45)

Hanggang ngayon ay nandiyan pa din ang kanilang fishball kart na sinisimulan nilang buksan ng 3pm ng hapon araw-araw. Ayon kay Mark, “Syempre hindi namin nakakalimutan na dun sa Kart na iyon kami nakilala, lalo na si tatay.” Ngayon ay nagtutulungan silang pamilya sa pamamahala sa kanilang negosyo. 

Bukas ang BABAsuk mula 10 ng umaga hanggang 10 ng gabi araw-araw.

No comments:

Post a Comment

Photo by: lablabphotography

Photo by: lablabphotography
saving hay for rainy days feed for beasts of burden