Tatlumpung taon na ng sinimulan ni Mang
Nelson Nucum o kilala din bilang “Kwek-Kwek” ang kanyang maliit na fishball
kart. Araw-araw siyang lumalabas at nagtitinda buong araw. Ng lumago ang kita niya,
nagawa niyang ipagawa ng mas malaki ang kanyang munting kart. Sa ilang taong pagtitinda
niya, napagtapos niya ang kanyang mga anak sa pag-aaral. At hindi lumaon, dahil
sa sipag at tiyaga, at dahil na rin sa tulong ng kanyang mga anak,
nakapagpatayo sila ng isang kainan. Ito ay tinawag nilang BABASUK.
Ang kanilang negosyo ay nagsimula noong
September 11 ng taong kasalukuyan lamang kaya bagong-bago pa ito. Ayon kay Mang
Nelson, nagdesisyon silang maging BABAsuk ang pangalan ng kanilang negosyo
dahil halos ng mga nakakakilala sa kanya ay tinatawag siyang ‘Baba’. Kasi medyo
mahaba ang baba ko, biru niya.
Ang anak niyang si Mark John na dating
nagtatrabaho abroad ay umuwi ng makaipon at nagdesisyong magpatayo na ng
negosyo kasama ng kanyang ama. Ngayon ay business partners na sila. “Gusto ko
kase, nagpapahinga nalang si tatay dito sa bahay dahil nga diba, matagal na
siyang nagtatrabaho at matanda na rin siya. At least kahit siya lang yung mag
cashier, kaya niya at hindi na siya masyadong napapagod, kumbaga relaxed na
lang siya” sabi niya.
Boodle fight ang kanilang balak na I
offer kapag tumagal na. Pero sa ngayon, sila ay nagseserb muna ng mga meal na
“SILOG” gaya ng:
·
TapSiLog - P50 (Student Meal – P45)
·
HotSiLog - P50 (Student Meal – P45)
·
ChickSiLog - P50 (Student Meal – P45)
·
ToSiLog - P50 (Student Meal – P45)
·
CornSiLog - P50 (Student Meal – P45)
·
MalingSiLog - P50 (Student Meal – P45)
·
BangSiLog - P50 (Student Meal – P45)
·
PorkSiLog - P50 (Student Meal – P45)
Hanggang ngayon ay nandiyan pa din ang
kanilang fishball kart na sinisimulan nilang buksan ng 3pm ng hapon araw-araw.
Ayon kay Mark, “Syempre hindi namin nakakalimutan na dun sa Kart na iyon kami
nakilala, lalo na si tatay.” Ngayon ay nagtutulungan silang pamilya sa
pamamahala sa kanilang negosyo.
Bukas ang BABAsuk mula 10 ng umaga
hanggang 10 ng gabi araw-araw.