CITY OF SAN FERNANDO – Ika-28 ng Agosto 2017, sinigurado
ni Pangulong Rodrigo Duterte na ligtas ng kainin ang lahat ng mga manok sa
Pampanga. Nakausap na ng Pangulo ang mga nagmamay-ari ng manukan mula sa Pampanga
at Nueva Ecija kasama na ang opisyales ng gobyerno na nangasiwa sa quarantine at
pagpatay sa mga manok na nahawaan ng avian flu.
Pinangunahan ng Bureau
of Animal Industry's Avian Influenza Task ang quarantine sa mga lugar at manok
na apektado ng avian flu outbreak. Pinatay nila ang lahat ng mga poultry
product sa loob ng isang-kilometrong sukat ng mga apektadong bukid. Mahigit
kumulang na 667,184 na manok, bibe at mga pugo ang mga pinatay.
Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pagkain sa mga poultry
products ng Pampanga kasama sina Pampanga
Representative Gloria Macapagal Arroyo, Agriculture Secretary Manny PiƱol, Representative Aurelio Gonzales, Jr. at Governor Lilia Pineda. Ayon kay
Pangulong Duterte, maaring magpataw siya ng malaking parusa sa mga negosyante
na magdadala ng mga produktong nahawaan ng bird flu.
Photo credit : Chris Navarro
source : SunStar