Pagkatapos ng ilan taong paghihintay ng mga Arayateno na magkaroon ng Jollibee Arayat noong umupo bilang alkalde si Mayor Bon ay “sa wakas!”, ang reaksyon ng halos ng mga Arayateno ng malaman ang tungkol dito.
Dahil sabik na sabik na magkaroon ng Jollibee sa Arayat ang mga tao ay may kumalat na balita noong nakaraang taon na itatayo na daw ang Jollibee Arayat sa dating golden nuggets sa Brgy. Poblacion ngunit pumuti ang uwak at walang pinagawa dahil nga ito’y ugong-ugong lang at walang katotohanan.
Pero ngayong 2017 sa target date na ika-30 ng Nobyembre hanggang ika-08 ng Disyembre ay itatayo na ang Jollibee Arayat sa harap ng Anderson Elementary School Brgy. Poblacion at ito ay totoo na. Ang ipapatayong Jollibee Arayat ay isang palapag lamang ngunit may laking 1,000 square meters inclusive of parking kaya naman buong pamilya ay maaring ibida ang saya sa Jollibee Arayat.