Tuesday, June 27, 2017

Miss Global 2016 Angela Bonilla, Naniniwalang Kayang Iuwi ni Mary Ann Mungcal ang Korona na Miss Global 2017



Matapos kinoronahan ang bagong Miss Global Philippines 2017 na si Mary Ann Mungcal ng Arayat, Pampanga ay marami ng humahanga sa kanyang angking ganda at isa na rito ay isa sa mga naging judge ng Miss Global Philippines 2017 na si Miss Global 2016 Angela Bonilla ng Ecuador. Ayon sa isang panayam sa kanya, nakitaan niya ng potensyal at naniniwala siya kay Mary Ann na maaring niyang iuwi ang korona at titulo na Miss Global 2017 sa darating na Setyembre na gaganapin sa Phnom Penh, Cambodia. 

Ihahanda na si Mary Ann para ihasa sa question and answer portion at iba pang gagawin niya bago niya irerepresenta ang Pilipinas sa Miss Global 2017. 

Mapapanood naman sa GMA 7 ang delayed telecast ng Miss Global Philippines 2017 Coronation Night sa ika-09 ng Hulyo 2017. 


Saturday, June 24, 2017

Mary Ann Mungcal ng Arayat, Kinoronahan bilang Miss Global Philippines 2017




MANILA – Ika-24 ng Hunyo 2017, kinoronahan si Mary Ann Mungcal ng Brgy. San Nicolas, Arayat, Pampanga bilang Miss Global Philippines 2017 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. Humakot rin siya ng mga special awards at pinanaluhan ang Best in Swimsuit, Ageless Beauty and Miss Lady Grace Award at Best in Long Gown. Tinalbugan niya sa kanyang ganda at talino ang dalawampu’t isang kandidata mula sa iba’t-ibang parte ng bansa. 

Ilan rin sa mga nanalo ay sina : 

1st runner-up - Rowee Sasuluya ng Bulacan
2nd runner-up - Jacqueline Mayoralgo ng Makati City
3rd runner-up –  Mhaelen Mae Patano ng Cabanatuan
4th runner-up - Fina Jallene Gulapa ng Sto.Tomas , Pampanga





Photo by: lablabphotography

Photo by: lablabphotography
saving hay for rainy days feed for beasts of burden