Monday, May 15, 2017

'Banal a Bunduk, Dalan ning Krus' sa Bundok Arayat



Kung naghahanap ka ng magandang lugar upang makapagnilay at magdasal bilang ng iyong bakasyon ay maari mong puntahan ang “Banal a Bunduk, Dalan ning Krus” kung saan ang “life-sized” na rebulto ng labing-apat na istasyon ng krus ay nakatayo sa paanan ng Bundok Arayat.

Ito ay noong 2012 ng ang Soroptimist International (SI) of Magalang ay sinimulan ang isang proyekto sa Orchard Village, Ayala, Magalang, Pampanga. Ito’y tungkol sa pagpapatayo ng “life-sized” na rebulto ng Stations of the Cross. 

Ayon kay Flordelis C. Feliciano, dating president at ngayon ay direktor ng SI, ito’y ay masasabing isang ambisyosong proyekto dahil sa laki ng magagastos at pagod na ilaan para dito.

At upang maging posible ito, kasama ni Feliciano ang mga opisyales at miyembro ng SI, hiningi ang opinyon ng mga nakakataas sa simbahan at para sa mga maaring makapagbigay ng donasyon.

Nakakilala sila ng mabait at mapagbigay na mga tao na tumulong na maiskatuparan ang kanilang proyekto. At noong 2014, labing-tatlong (13) istasyon ang naitayo. At noong 2015, ang apatnapu’t (40) talampakan na taas na Risen Christ ay buong pagmamalaking itinayo.

At sa sumunod na taon, isang tatlumpu’t limang (35) metrong pader at ang ika-labing-apat na istasyon ay itinayo para mapigilan ang posibleng sakuna.

At dahil sa mabilis na progreso ng proyekto ay madami ng turista ang bumibisita at naeenjoy ang kapaligiran at mapayapang lugar.



Dating Alkalde Chito Espino, Pinalaya na ng Pampanga Regional Trial Court


ARAYAT, PAMPANGA – Pagkatapos mahuli at makulong ng anim na pu’t (60) araw, ang dating alkalde na si Luisito Espino ay pinakawalan na sa pagkakabilanggo noong ika-24 ng Abril 2017.

Ito ay noong mismong araw na iyon ay pinawalang sala ng Pampanga Regional Trial Court sina Espino at ang kanyang tatlong kasama kung saan binasura nito ang kasong illegal possession of firearms, explosives, and narcotics na isinampa sa kanila ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) sa Pampanga.

Ayon sa PRTC, “Based from the resolution that we received, they cited the insufficiency of evidence presented to the proper court which led to the dismissal of the case”.

Sinabi naman ni Melgura ng CIDG na iniharap naman nila ang lahat ng ebidensya tulad ng mga baril, mga granada at ilegal na droga na nakumpiska nilang pagmamay-ari ng suspek na ginamit na nilang ebidensya. Ilan na rito ay isang 5.56-pistol, tatlong .45-handguns at isang 9mm-pistol, tatlong hand grenades at labing-siyam (19) na sachet ng pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride o shabu. 

Binabalak naman ni Melgura at ng kanyang opisina na magfile ng motion for re-investigation and reconsideration.  

“But for now, Mr. Espino and his companions are free as ordered by the court,”sinabi niya. 


Tatlong Arayatenong Centenarian, Ipinagkalooban na ng 100K


ARAYAT, PAMPANGA – Ika-15 ng Mayo 2017, tatlong Arayatenong Centenarian ang ipinagkalooban na ng tig-isang daang libong piso. Sila ay sina :

Josefa C. Santos – Brgy. Bitas – 104 yrs. old – March 13, 1913

Leoncio B. Pelayo – San Agustin Sur – 102 yrs. old – September 14, 1914

Regina C. Teopaco (deceased) – 103 yrs. old – May 16, 1913 – Ms. Aida Sangguyo (claimant)

Ito’y pinangunahan ng Region III Awarding Committee kasama sina DSWD Head Mrs. Tandoc, Konsehal Guevarra at OSCA Head Helen Cabrera na naganap sa Conference Hall ng Munisipalidad ng Arayat. 


Photo by: lablabphotography

Photo by: lablabphotography
saving hay for rainy days feed for beasts of burden