Thursday, March 16, 2017

Arayat Local Government Unit, Ang Natatanging LGU sa Central Luzon na Napabilang sa 2016 CSC Top 10 LGU Nationwide


Nakasama ang lokal na pamahalaan ng Arayat sa 2016 CSC Top 10 LGU nationwide na nakakuha ng marka na 94.75 na porsyento.  Ilan sa mga bayan na napabilang sa Top 10 LGU ay ang Santiago City, Isabela; Tagum City, Davao del Norte; Dolores,Abra; Mamasapano, Maguindanao; Iriga City, Camarines Sur; Talipao, Sulu; Lano, Camarines Norte; Lal-lo, Cagayan, and Mati City, Davao Oriental.

Ang naging batayan ng Civil Service Commission sa pagbigay ng grado ay ang pagtupad ng mga lokal na pamahalaan ng bawat bayan sa Anti-Red Tape Act kung saan kabilang rito ang Citizen’s Charter, no noon break policy, pagsuot ng mga ID, pagpapapatayo ng public assistance desk at anti-fixers campaign. Isa rin sa naging batayan ay ang kalidad ng serbisyo ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga mamamayan.



Monday, March 13, 2017

Mayor Bon Alejandrino, Paparangalan ng Most Outstanding Mayor Award sa Darating na Ika-30 ng Marso 2017



ARAYAT, PAMPANGA - Paparangalan si Mayor Bon Alejandrino sa darating na ika-30 ng Marso 2017 bilang isa sa mga “Most Outstanding Mayors in The Philippines” sa ikatlong pagkakataon kung saan ito ay gaganapin sa THE CITY CLUB, 4th Floor, Grand Ballroom, Alpha Land Hotel 7232 Ayala Avenue Extension, Makati City.

Ang pagbibigay parangal na ito ay pinangangasiwaan ng Superbrand Marketing International Inc. o SMI. Ang SMI ay isang award-giving body kung saan pinapahalagahan ang serbisyo ng mga lider ng lokal na pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng “Outstanding” awards sa mga gobernador, mga dignitaryo, mga lokal na mambabatas at congressman. 


Ang mga kasamang alkalde na paparangalan sa darating na 2017 Most Outstanding Mayor Awards ay ang mga sumusunod:




Hon. Emmanuel M. Alejandrino

Mayor, Municipality of Arayat, Province of Pampanga




Hon. Herbert Bautista

Mayor, Quezon City, NCR



Hon. Celso Olivier T. Dator

Mayor, Municipality of Lucban, Province of Quezon



Hon. Faustino Michael Carlos T. Dy, III

Mayor, Municipality of San Manuel, Province of Isabela



Hon. Bernard Faustino M. Dy

Mayor, City of Cauayan, Province of Isabela



Hon. Ferdinand V. Estrella

Mayor, Municipality of Baliuag, Province of Bulacan



Hon. Chevylle V. FariƱas

Mayor, City Government of Laoag, Province of Ilocos Norte



Hon. Jessie E. Galano

Mayor, Municipality of Paoay, Province of Ilocos Norte



Hon. Richard I. Gomez

Mayor, City Government of Ormoc, Province of Leyte



Hon. Christopher Sheen P. Gonzales

Mayor, Municipality of Guiuan, Province of Eastern Samar



Hon. Rolly U. Guiang

Mayor, Municipality of Santa Marcela, Province of Apayao



Hon. Randy J. Macapil

Mayor, Municipality of Linamon, Province of Lanao Del Norte



Hon. Emmanuel O. Maliksi

Mayor, City Government of Imus, Cavite



Hon. Edgardo D. Pamintuan

Mayor, City of Angeles, Province of Pampanga



Hon. Ramil B. Rivera

Mayor, Municipality of Cabiao, Province of Nueva Ecija



Hon. Lani Mercado-Revilla

Mayor, City Government of Bacoor, Province of Cavite



Hon. Arturo B. Robes

Mayor, City Government of San Jose Del Monte, Province of Bulacan



Hon. Meynardo A. Sabili

Mayor, City Government of Lipa, Province of Batangas



Hon. Edwin D. Santiago

Mayor, City Government of San Fernando, Province of Pampanga



Atty. Carmelo "Black" O. Villacete

Mayor, Municipality of Piat, Province of Cagayan

cleardot



Photo by: lablabphotography

Photo by: lablabphotography
saving hay for rainy days feed for beasts of burden